Monday, June 4, 2012

Burot Beach: Ang Trip na Puno ng Tsismis

A week after Baler, long weekend nga pala. Wala kami pasok sa May 28th - US Memorial Day. But wala pa akong gala, na hindi pwede mangyari. Hah!!! Kaya, isip-isip ako. Basa-basa ng mga blogs. Saan kaya ako pupunta?! Hhhmmm... 'Yung tipong morayta lang ang budgey (1 thousand pesos lang ang niset ko) at super accessible pero the best! :) 


Finally... May na-sight ako sa isang blog (nakalimutan ko kung kanino) - Burot Beach sa Calatagan, Batangas. Pwede! Gow! Aya-aya ako ng mga officemates ko. 'Yung iba may mga lakad na. And 'yung ibang wala pa, pinilit ko! Hehe... So, here they are. Meet my travel buddies.



From L to R: Ryan, Betsy, Lie Ann, Caloi and Me

Instead of Saturday (26th), eh napagkasunduan na 27th na lang kami gumora sa Burot Beach. Overnight lang naman and wala naman nga kaming pasok on Monday. :)

So, ang naging plano lang namin eh magkikita-kita sa Mcdo - Taft by 6AM. Other than that, wala na. As in wala! Bahala na si Batman...

2AM pa lang ng Sunday eh mulat na ako. Excited matz! Super haba ng tulog ko, from Saturday ng tanghali. Pag gising ko, check ako ng cp. 2 messages received, 1 from Caloi and other from Ryan. They were asking the same question - Tuloy ba?! Hehehe... Naturalmente! Gising na nga ako eh. I texted them, sabi ko - Hoy! Gising na akey. Tuloy tau siyempre. Aba nagreply si Caloi. Sabi nya - wala pa ako tulog, friend. Para na akong zombie. Sabi ko - mas excited ka pa sa akin. :) Pwede pa naman matulog. Maaga pa. Baka daw kasi hindi siya magising. Sabi ko - gisingin kita by 4AM. Nasa harap pa naman ako ng PC. Adik! 

So, ayun na nga. Kumain muna ako, balik sa PC. Basa-basa ulit. Take note: Hindi pa ayos gamit ko at hindi pa ako nagpapaalam na gagala ako. Bahala na later.

Time check: 4AM. Text brigade na ako. Alam na. Gising na naman pala sila. So, ayos na ako ng gamit ko. Lagay lang ng lagay sa backpack ko. Of course, hindi pwede mawala ang cam. Niiwan ko na charger, wala naman kuryente dun eh.

Ready to go na ako by 5AM. Gising na si Mudra. So, paalam galore na ako.

Me: 'Nay, alis na ako.
Mudra: Saan ka na naman pupunta?!
Me: Dyan lang.
Mudra: Saan nga?! Gagala ka na naman.
Me: Ay hindi! May dala nga akong backpack eh. :) Dyan lang kami sa Batangas. Overnight lang. Wala naman pasok tomorrow. Pahingi pera. Choz!
Mudra: O, sige. Ingat ah. May dala ka bang proteksyon?! (Ano daw?!)
Me: Huh?! Proteksyon?!
Mudra: Sunblock! Sa beach kayo di ba?! Maaraw pa. Ano ba naiisip mo?!
Me: Wala! Sige na, gora na akey. *wink*

Sakay na ako jeep pa-Monumento, then LRT. Feeling ko malalate akey. Quarter to 6 na, nasa UN pa lang ako. May tsismis kasi eh. May nahimatay kyeme na babae. Grabe! Ang mga manong guwardiya, super natetense. Medyo deadma ako sa mga kaganapan. Gutom matz na kasi. :(

6:15 na ako nakarating sa Mcdo. Kita ko na si Ryan at Betsy sa labas ng Mdo. I asked them - Nasaan si Caloi at Lie Ann?! Sabi nila - si Caloi, wala pa. Si Lie Ann umuwi ulit kasi may nakalimutan daw. So, sabi ko pasok muna kami sa Mcdo at mainit sa labas. Pagpasok namin, aba! Kitang-kita namin si Caloi at Lie Ann, nakaprenteng upo at kumakain na. Anuber! May cp naman at pwedeng magtext, right?!?!?! Tsismis na naman. Hehehe... So, breakfast muna kami at medyo nagplano na din. :)

After breakfast (7AM), gow na kami sa likod. Sakay sa BSC bus. 193pesos ang fare, 'gang Calatagan Market. Keri! So, habang bumibyahe, plano pa din kami. Rent na lang kami ng tent - 300pesos. Plus, fudang - 200pesos/head. Pinatulog muna namin si Caloi, wawa naman kasi. Wala ng mata. Hehehe...


8:30AM, nasa Tagaytay na kami. Ang bilis! Feeling namin malapit na, kaya lagay-lagay na ng sunblock. Hehe! Excited eh. Sarap magfood-trip sa Tagaytay. Next target namin 'yan, kahit hindi overnight, keri na! :)

Sipat-sipat kami ng mga signage. Nasa Batangas na kaya kami?! Hhhmmm... Parang. Nitanong namin si manong konduktor. Mga 30minutes pa daw. Quarter to 10 na. Gutom na kami. Again!

Atlast, Calatagan Market na. 10:30AM pa lang pala. Dito na din pala terminal nila. So, baba na kami. Hanap ng makakainan.




After lumafang, namili na kami ng mga kailangan namin. Puro fudang! Hehehe... :) Tapos, hanap na kami trike na maghahatid sa 'min sa Burot Beach. May nasipat kami na mga kuyang drivers sa kabilang side ng market. Lapit kami. Ask if how much. 150pesos daw. Pero 2 trikes daw kami. Witty! Wala sa budget 'yun. So, pinilit namin na isang trike lang at gumora na kami. :)

Tsismis din ang daanan papasok sa Burot Beach. Sulit nga ang 150pesos. Wawa naman si kuya Angelo, saka ang trike nya. Hehehe...

But may napansin ako. Hhhmmm... Super bet ko magpa-pic sa punong itey kaya hindi ko pinalampas 'to.


Winner!!!

After 15 to 20 minutes, yehey! Nasa Burot Beach na kami. :) We thanked kuya Angelo. We asked him if he can make sundo sa amin tomorrow. He said yes naman. Since 4PM 'yung last trip ng bus pa-Manila, nagpasundo kami sa kanya ng 3PM. :) Getching din namin 'yung mobile# nya, in case. We also asked him to join us tonight, para sa sa nomo. :) Nagpabili na din kami ng ice and other stuff para mas masaya.


Sinalubong kami ni kuyang guard. Ni-ask if overnight kami. Of course! Nagrent kami ng tent - 300pesos. Ni-offer nga din sa 'min ni kuya 'yung floating kubo for 1,200pesos. No!!! Hahaha... So, set-up mode na.



In fairness, maalam sila mag-set up ng tent. Hehe! Ako hindi, kaya taga-picture na lang akey. :)






After nun, we decided na magswim na. Change outfit. Gow!!! Si kuyang guard nipaparent pa sa amin 'yung floating kubo, eh super gamit na gamit nga sa amin 'yun. lol














Hindi namin napansin, sunset na pala. Gutom na pala kami. I asked Ryan to text kuya Angelo. And other tsismis came out: hindi na daw makakapunta si kuya kasi gabi na daw. Hays... :(








* Pahiram ng mga pics na itey, Ryan. *

So, ayun na nga. Since tsismis si kuya Angelo, nagprepare na lang kami ng dinner namin. Hays... Naiisip ko talaga na walang ice si Pareng Empi. Hindi ko keri uminom ng walang ice. :( *arte matz*


Naku! Gabi na. Wala pa kami bonfire. We asked kuyang guard if pwede mag-bonfire. Hindi daw. What?!?!?! No! Hindi pwede. Wala kaming ilaw. Hhhmmm... Need na gamitin ang charm (nasan?! hahaha... lol)...

Me: Kuya, sige na po. Wala po kaming ilaw. Kami lang po andito sa side na 'to. Malamok pa.
Kuyang Guard: Ma'am, hindi po talaga pwede eh. Mangingitim po kasi 'yung sand.
Me: Ganito na lang po kuya. Lilinisin po namin 'yung mga ashes after. Promise! Plus, sa inyo na po si Caloi. Choz!
Kuyang Guard: (Nangingisi) Pwede po! *bet din ni kuya*

Ayun na nga. So, hanap kami ni Lie Ann ng mga kahoy, tapos sila Ryan bili sa tindahan ng water plus 'yung iba pa naming kailangan.

Buti na lang talaga naimbento na ang cp na may flashlight. Super useful! :)

Habang naghahanap kami ni Lie Ann, may nasalubong kami na 2 kuya. I think sa kabilang side sila nagsstay & overnight din. Naghahanap din ng mga kahoy for bonfire.

Kuya: (asking Lie Ann) Do you have a lighter?! *English-speaking si kuya*
Lie Ann: Water?! (nabingi lang po siya)
Kuya: Pwede din. (bastarda! hmpft!)
Me: Yeah, I have. *English din siyempre*
Kuya: Thanks.
Me: If you want, you can take it. I have another one pa naman.
Kuya: No, thanks. I just forgot to bring my lighter. Meron ako dun.
Me. Ok. Hhhmmm... Naghahanap din kayo ng mga kahoy for bonfire, right?!?!?!
Kuya: Yeah.
Me: Pwede makahingi, if may sobra kayo?!
Kuya: Ok. Here's the deal. If you want, we can have 2 tents and 1 bonfire. And for every wood eh may kapalit.
Me: *thinking* Ah, ok. Sige, ok lang kuya. Dun lang naman kayo nagsstay di ba?! I'll just ask muna 'yung mga kasama ko. Salamat. (tse ka kuya! bleeh!!!)

Nakagawa din naman kami ng bonfire namin. Kaya lang, hindi successful! Tsismis in short. Hays... :( We tried to go pa nga sa mga kuya kanina, but wala naman sila dun sa pwesto nila. Ibang group na 'yung andun eh. Sayang! Tsismis na naman. Uminom na lang kami ng Empi na walang ice. Yuck!!! Hindi ko talaga bet. But, no choice. Tiis-ganda! *wink*

12MN na but we're still awake. Hays... Music, sayaw, inom, yosi, kuwentuhan. Hanggang, isa-isa na kaming antukin. We slept na open ang tent namin, si Ryan at Lie Ann ay sa labas nakatulog.

By 5AM eh mulat na kami. Good morning Burot Beach! :)




Breakfast mode muna. :) Nga pala, may nirent kaming boat yesterday para dalhin kami dun sa White Sand plus nagpabili din kami ng fish for lunch. 8AM ang usapan namin ni kuyang bangkero. We thought tsismis din siya kasi 7:30AM na wala pa siya. 8AM nga usapan di ba?! Sabi ko kina Lie Ann - judgemental naman tayo msyado. Let's give kuya a chance. Hehe! :) Aba! Eksaktong 8AM, dumadating na ang bangka ni kuya. Yehey! Hindi siya tsismis. Kasama din nya 'yung isang anak nya. Ang saya, dami nyang dalang isda! :) Hhhmmm... Iniisip namin if paano at sino ang magluluto ng lunch namin. Haha! Bright idea from ME, of course. Sigaw ako - kuyang guard!!! Sabay lapit na din ako sa pwesto nya. Favor naman po. Mag-iisland hopping po kasi kami. Eh ang dami po naming isda. Pwede po paki-ihaw habang nagbabantay po kayo?! :) Kaso may problem po kami, wala po kaming rice. Pwede po pakidamay na din po kami sa sinaing nyo?! *sabay hawak sa plastik ng bigas nya*  Ang kapal ko! Hehehe... Pero in fairness, agree si kuya. Yehey!!! Super salamat talaga ako kay kuya. Gow na kami sa White Sand, then. *excited*


Sabi ni kuyang bangkero, mga 3minutes lang daw eh andun na kami. Malapit lang din naman pala. Kaya, todo picture na kami. :)





Si Ryan na ang naging official photographer namin. Hindi na siya nag-swim dito. Mangingitim daw kasi siya. Sabi ko - kahiya naman sa iyo Rye! Hehe... Nag-spf ka naman di ba?! SPF50 from Betsy and SPF80 kay Lie Ann. I-add mo 'yun. SPF130!!! Effective na 'yun... Hahaha! lol

Paalala: Ang mga susunod na larawan ay nangangailangan ng istriktong patnubay ng magulang.





The beauty, the body... Whew!!! Hot!!! The brain?! Never mind... Choz! Piz Caloi... Aylabyu! Mwah mwah tsup tsup...

Kaumay!!! Hahaha... :) Kaya tinodo na namin ang pagpapapicture... Yown!!! *wink*







Nanawa na kami dito kaya we decided na bumalik na sa beach. Besides, namiss ko na tent namin. Hehehe! :)

Aga pa pala. 10:30AM pa lang. What the?!?!?! Hays... But in fairness kay kuyang guard, nakaluto na siya ng lunch namin. Panalo talaga!!!



Habang kumakain kami, todo ihaw pa din si kuyang guard. Todo pasalamat naman kami sa kanya.

Me: Kuya, kain po tayo. Salamat po ulit.
Kuya: Sige lang, nag-almusal naman ako kanina.
Me: Kuya, sure ka po, ok lang sa inyo na pinagluto mo po kami?!
Kuya: Ok lang. Hindi na naman kayo babalik di ba?! :)

Haha! Tumbling ako dun. Bastardong kuya! Tse... Pero, grabe talaga. Kakatuwa si kuya. Sarap kakuwentuhan. And take note, naka-Lumia si kuya. Susyal!

After kumain, sarap matulog! Baboy lang. :) Pero nisulit na din namin. Swimming and picture galore na kami. Ilang oras na lang ang nalalabi. Gora!!!





Ay! 2PM na pala. Alam na. Banlaw mode na, sa tsismis na CR. Hahaha!!! But may sad feeling  ako, akala nyo. Sa bawat trip ko, eto 'yung ayokong part - UWIAN!!! But, alam na. Ganon talaga. Gow!!!

While waiting for others, picture-picture ako ulit. And may nakanakaw ng aking pansin. Si kuyang cutie:



Sh*t! Super alone si kuya. As in tipong ayaw magpaistorbo. Eh si Lie Ann gustong lapitan si kuya kasi kung ano-ano na naiisip namin about him. Ayun! Gow kami.

Lie Ann: Hello po!
Kuya: (Deadma - nakaheadset kasi)...
Lie Ann: Hello po!
Kuya: (Napatingin sa amin) Yes?!
Lie Ann: Kasi po napansin namin na solo po kayo. Bakit po?! (tsismosa lang...)
Kuya: Supposed to be kasi, kasama ko mga friends ko ngayon, kaso hindi natuloy. So, I just go here solo and parang soul-searching na din.
Lie Ann: Ah, akala ko po kasi blogger kayo.
Kuya: Ay! Hindi. Kayo?!
Lie Ann: Ay, siya lang po... *sabay turo sa akin*
Me: Hello there (choz!)... :) Taga-Manila ka po?!
Kuya: Yeah.

Pansin ko, tipid sumagot ni kuya, kaya gora na kami ni Lie Ann. Besides, aalis na talaga kami. Bye-bye na Burot Beach! :(

3:10PM nasa Terminal na kami. We decided na kumain muna. Wow! Namiz ko 'to... :)





Ang tsismis na sisig!!! :)

Eto na ang super tsismis na nangyari sa buong trip namin. NAIWANAN KAMI NG BUS!!! As in... Grabe!!! Nipuntahan pa ni Ryan 'yung BSC bus, sabi daw ng konduktor may susunod na bus pa daw. Ayun na 'yung last na trip. Naniwala naman kami. 3:50PM pa lang naman. So, lamon pa din kami. Aba! 4:15PM na mga friends, may bus pa ba?! Hala! Gow na kami sa terminal. Pati Cely Rosa Express, wala ng trip. Paano na?! May nag-offer sa amin, van - 3,500pesos. No!!! Kahit na may pera kami that time, hindi namin kinagat. Uber ah... May nag-offer din sa amin, 700pesos, hanggang Lian lang. Pagbaba namin dun, anong meron?! Hindi din sure na makakasakay kami. So, tambay mode muna kami sa Market. Isip-isip. Sabi ko - since wala naman tayong pasok later, stay muna tayo dito. Hanap tayo transient, 'yung morayta lang. Then, gow tayo sa first trip tomorrow. Agree ba lahat?! Oo naman daw. So, lakad kami. Nagtanong kami sa isang kuya, kung saan may transient, inn or lodge. Tinuro nya 'to:


800 pesos - for 2 persons, AC room

Cannot be! 5 kami eh. Eto pa ang isang mabuting tao na tumulong sa amin - si kuya Tonet. Siya 'yung kuyang nipagtanungan namin. Sabi namin, need lang namin ng matutulugan ngayong gabi, go kami sa first trip ng bus tomorrow. Aba! Sinamahan nya kami, inikot na yata namin buong Poblacion nila. Puro puno na ang transient at 'yung iba, closed naman. Hays... :( Hinto kami sa isang tindahan. Super kilala si kuya Tonet ng mga tao dun. Inom muna kami softdrinks. Naikuwento ni kuya sa mga tambay na nanay sa tindahan 'yung problem namin. Aba! Halos lahat sila payag na patuluyin kami sa mga bahay nila. Grabe! Touched ako... :') Pero super nag-offer si Ate Ailyn na sa kanila na daw kami tumuloy tutal naman daw 2 lang sila ng anak nya sa kanila. Gow na kami. Super asikaso kami ni Ate Ailyn. Sa dinner, sabay-sabay kami, kasama na din si kuya Tonet. :) Si kuya Tonet na din ang nagpunta sa Cely Rosa Express para antayin daw kami ng first bus tomorrow. Super bait talaga! After kumain, binigyan na kami ni Ate ng kumot at unan. Bahala na daw kami. Sa sala na din kami naglatag. Maligo na daw kami at matulog para maaga kami magising. Pero, super mega kuwentuhan kami with Ate. Ang bait ni Ate. Nasa Qatar pala asawa nya. Ah, kaya pala, may kabonggahan ang mga appliances ni Ate. :) 11PM na din, so meme mode na kami. Night night Ate and Lance ('ung anak nya)...

3:15AM na. Una ako nagising. Ginising ko na din 'yung iba. Bangon na! Nagising na din pala si Ate. Magkape daw muna kami. Sabi ko - 'wag na po 'te. Sobrang abala na po kami sa inyo. Inabutan ko siya ng 300pesos, payment para sa kuryente at water na nagamit namin. Ayaw nya talaga tanggapin, pinilit ko lang. Nahiya kasi kami. Tinanggap na din nya. :)

Mabilisang kilos kasi nga 4AM ang unang trip. Baka maiwanan na naman kami. *wink* Super pasalamat kami kay Ate at nag-promise kami na babalik kami. Feeling ko kasi hindi enough 'yung "thank you" lang sa ginawa nya for us. :)

So, super lakad na kami papunta dun sa tapat ng simbahan. Dun kasi dadaan 'ung bus. Time check: 4:05AM. Grabe! Nasalubong namin si kuya Tonet. Umalis na daw 'ung bus. Hays... :( Naiwanan nga kami ulit. Kakahiya kay kuya, kinausap pa naman nya 'ung driver at konduktor. Pasensya na po, kuya... :(

So, gora kami sa Terminal. May bus na aalis ng 5AM. So, kape mode muna kami sa isang tindahan dun. Super salamat din kami kay kuya Tonet. Sobra-sobra 'ung ginawa nya for us. Hindi naman kami magkakakilala but 'ung willingness nya na tumulong eh bongga. Saludo ako sa iyo kuya Tonet!!! :)


with kuya Tonet... :)

Bye bye, Calatagan!!! This is one of my best trips... Uber!!! See you again... :)